Aniceto Silvestre
Bagama't di nagkaroon ng pormal na pag-aaral sa pagsusulat, siya ay nakapagsulat at nakapag-ambag sa panitikang Pilipino ng magagandang tula, maikling kuwento, nobela at sanaysay.
Ang kanyang mga tula na natipon sa katipunang Kalikasan ay pinagpangkat-pangkat sa walo: Malaya, Maalindog, Larawan ng Buhay, Pintig ng Pag-ibig, Tatag ng Pananalig, Tanda ng Pag-asa, Bukas sa Landas ng Kadakilaan at Dugo sa Ningning ng Araw.
Ang mga karangalang nakamit ni Aniceto F. Silvestre sa pagsusulat ng tula ay apat na Unang Gantimpala (bago magkaroon ng digmaan); isang Ikatlong Gantimpala (panahon ng Komonwelt na pamahalaan); isang Unang Gantimpala (ika-10 taon ng Republika ng Pilipinas); at isang Unang Gantimpala sa Palanca Memorial Awards for Literature noong 1969.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.